Sharon Cuneta nagpahiwatig na gusto nang mag-retire sa showbiz
Iyan ay kung pagbabasehan ang recent Instagram post n’ya kung saan ibinahagi n’ya ang isang art card na naglalaman ng passage mula sa librong The Stories We Tell ni Joanna Gaines.

Ayon sa inilagay n’yang caption, sa parteng ito daw ng libro s’ya pinaka nakaka-relate. Dito rin n’ya inamin na nakakaramdam na s’ya ng pagkapagod at napapaisip nang mag-retire.
“This is from Joanna Gaines’ new book, ‘The Stories We Tell.’ This part really resonated with me because, well, I am 56 now – and I am just undeniably EXHAUSTED. Retirement is calling,” lahad ni Sharon sa kanyang IG post kahapon, November 16.
Nag-e-enjoy naman daw s’ya sa paggawa ng showbiz projects paminsan-minsan pero talagang pagod na daw s’ya.
“Once in a while I can pop up in a movie or two, a concert, or a TV show, even a season or a series if it’s not too tiring. But I AM tired,” saad pa n’ya.
Ang gusto na lang daw n’yang gawin sa ngayon ay ang alagaan ang kanyang pamilya at gawin ang mga bagay na gusto n’yang gawin pero hindi s’ya nagkaroon ng panahon before due to commitments.
Nauunawaan naman umano ng aktres na si Arlene Muhlach si Sharon dahil ganu’n din daw ang nararamdaman nito. Gusto na rin umano nitong mag-retire pero hindi pa daw puwede sa ngayon.
“Exactly what I want at 54. Thing is, I can’t yet because kids are both still in school,” saad ni Arlene sa comment section.